theunionproject.online

Server Wars: A Sit-Down with Katey, Owner of Katey’s Dormitory

Online gamers gather on the Discord platform to chat, stream live, and socialize. Creating a Discord server requires active involvement from the owner and administrators to engage members. To foster engagement, we organized a competition for Dota2 communities. Four servers will participate in a championship. Let’s introduce one of the four owners, Ma’am Katey, the owner of “Katey’s Dormitory.”

Warning: Taglish Interview

Mikay: Hello po. Bago po tayo mag start. Can you introduce yourself po?

Katey: Hi, I’m Katey. From Katey’s Dormitory Discord Server.

Mikay: “Paano nyo po nabuo yung server?(in a chismosa manner)”

Katey: “Hahahaha! Actually mahabang kwento sya paikliin ko na lang.Ahm, galing kami sa ibang server. Meron kaming ibang server before. Tapos yung mga admins ko ngayon, is mga co-admin ko sa server na sinalihan namin. Tapos nagkagulo sa server na yun.Tapos lahat ng admins we decided na sayang yung community kung iiwan lang namin. So ang ginawa namin is lumipat kami sa ibang server, which is Katey’s Dormitory na ngayon. Pero paglipat namin dito, hindi pa Katey’s Dormitory may iba pang name. Pero kaming mga admins naging solid kami, kami-kami pa rin mga admins dito sa server na to.

And nabuo talaga yung solid friendship. Hindi na lang sya discord friendship, kasi nagkita-kita na kami sa personal. And ayon may solid foundation na nabuo. Hindi ako yung owner ng server na to noong una. Tapos something unfortunate happen kaya nalipat sa akin yung ownership. Parang napabayaan yung server. So, nagdecide kami ni Lance, na saluhin na lang yung server. Tapos kinausap namin yung server owner before, and he agreed naman na itransfer yung ownership.”

Mikay: “May we know po ilang number of players/members. And anong mga events ang ginagawa sa server nyo?”


Katey: “Ahm number of members, alam ko 800+ na. Ang mga events na madalas namin ginagawa, tulad ng Lobby Nights, o kaya mini-tournament. We try to keep the server alive. Kami-kami ng mga admins, nagpipitch in kami ng sarili naming pera para sa prize, para sa events na ginagawa namin.”

Mikay: “Ano po naging rason nyo bakit kayo sumali sa Server Wars?”

Katey: “Bago pa lang maintroduce sa akin yung Server Wars, napag-usapan na namin yun ng mga admins namin. Parang alam ko naglalaro lang kami ng arcade sa dota. Tapos nabanggit nga na ano kaya kung meron na tournament na iba’t-ibang server yung kasali? Tapos meron magrerepresent. So, parang idea talaga sya ng Server Wars. Naisip nga namin na maganda nga yun.

Tapos after a week or two, kinausap ako ni Penpen. Kung gusto daw namin sumali sa Server Wars. Kaya yun, sumali kami. Bukod sa gusto namin of course manalo ang server namin, gusto din namin suportahan ang community. Gusto din namin mapasaya yung mga members nung server.”

Mikay: “May we know po kung ano ang rank mo nung nag start ka mag Dota2?”


Katey:” Guardian lang low rank lang! hahahhaa”

Mikay: “Kung magkakaroon man ng isang admin na makakasama ka sa rank game, sino yun?”


Katey: “Si Mera. Ahh boyfriend ko sya kaya gusto ko sya kasama.”


Mikay: (kinilig)


Katey: “Dun kami nag-umpisa.”

Mikay. “Ano po message nyo sa ibang owners na kasali sa Server Wars?”


Katey: “Message ko sa ibang owners. Let’s just enjoy the game itself. And yung competition, sana healthy competition sya and good luck may the best server win.”

Mikay: “Any plans po sa Server Wars in the future?”


Katey: “Yes, manalo o matalo sasali ulit kami sa Server Wars. Yung co-owner ko si Lance, competitive sya. For sure kung matalo kami sasali kami, kung manalo kami of course mas sasali kami.”

Mikay: “Last question po. Ano po masasabi nyo sa sarili nyong server and sa Dota2 community?”


Katey: Sa sarili naming server. Sa members muna, thank you sa pag stay sa server. Kahit meron times na hindi masyadong active yung server. Thank you, kasi lagi pa din kayo naandito. And pagsali lagi sa mga activities namin, sa mini-tournaments, lobby nights.


Thank you kasi healthy naman yung server, wala naman masyadong toxic na nangyayari. And sa mga admins ko naman, thank you kasi kahit wala namang sahod, lagi kayo nandyan to support us, to support yung mga activities natin.

Gusto ko lang special mention yung isa kong admin, si Madame Shiela, thank you so much sa pagtyatyaga, sa paggawa ng banners and mga gusto namin ipa-edit sayo.

Sa Dota2 community naman. Sana mas mapalago pa natin yung community. And sana mapalago pa natin yung Server Wars.”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top