
Rush na habang nagba-bunny hop! Kasama ang tropa, may dalang pancit canton at energy drink combo, ito ang tunay na Computer Shop Era!
Na-miss mo ba ang sigaw na “Fire in the Hole!”? O yung kaba pag narinig mo na ang “The bomb has been planted”, sabay posisyon kung ikaw man ang magdi-defuse o magpoprotekta sa C4? Baka nga nasabayan mo pa ang banat na: “Naitanim na ang kamote!”

Ilan lang ‘yan sa mga alaalang tumatak noong golden era ng CS 1.3.
Panahon ng dayo, simpleng tropa games, at init ng monitor sa de_dust tapos todo adjust ka pa ng brightness.
Ito ang panahong nabuo ang pagkakaibigan ng mga batang ‘90s. At kung hindi ka pa nakalaro ng Counter-Strike 1.3, parang kulang ang childhood mo!
At ngayon, hindi lang natin ito aalalahanin bubuhayin ulit natin ito sa Amanoma Café!
Kung isa ka sa mga OG na nagpuyat sa shop, nakipag-unahan sa paboritong PC #8, o tumakas sa klase para lang makapag-CS, ito ang tournament na para sa’yo.

Brought to you by Amanoma Esports Café
Merch Partner: HYBREED PHILIPPINES – Makers of legendary esports jerseys!
Sp0ns0red by: Redragon Philippines & Musso Philippines